Wednesday, 18 May 2011

Facebook!

Ang aga-aga gusto na kita makita,
Para lang magbasa at makibalita.
Pero disappointed 'pag posts ay walang kwenta,
Lalo na posts ng mga nagbebenta.

Pagbukas ng FB puro english ang laman,
Pa-english-an ba 'to o pa-arte-han lang.
Ang ibang grammar naman ay mali-mali,
dapat ay kanila na lang sinasarili.

Nung aking i-scroll down mga pictures naman,
May pacute, pamacho, tumalon at wala lang.
Pamacho na nakasando lang at stolen shot,
at grupong tumalon sa lupa'y 'di nakalapat.

At nakabasa rin ako ng post na tagalog,
Pero puro mura at parang gustong mambugbog.
Kung ako ang kaaway ako'y matatawa lang,
Naghahanap ng kakampi at parang tanga lang.

Magpost ng message 'di naman ako mahilig,
Magbasa lang habang umiinom ng tubig.
Ako'y nasiyahan kahit walang balita,
Dahil itong Facebook ako'y pinatawa.

No comments:

Post a Comment